KALARO
Ernesto S. Abines Jr.
Dati mayroon along kalaro
Masyadong masungit at di mabiro
Kami ay nag-away at nagkasakitan
Nagbati din agad sama ng loob kinalimutan
Di nag laon kami naging magkaibigan
Mabait naman pala siya at hindi pihikan
At meron akong leksyong natutunan
Mga bagong kalaro ay huwag agad husgahan.