Skip to content

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

IMG_3874

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

(Press Release from the Philippine Embassy)

Alinsunod sa Patalastas Bilang 11, s. 2017 ng Komisyon ng Serbisyo Sibil, ang tema sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na idaraos sa ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto 2017 ay FILIPINO: WIKANG MAPAGBAGO.

Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
a) Ganap na maipatupad ang Pangpanguluhang Proklamasyon Blg 1041, s. 1997;
b) Mahikayat ang iba’t-ibang ahensiyang pampamhalalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; at,
c) Maganyak ang mga mamamayang Filipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Kaya’t malugod kayong iniimbitahan ng Pasuguan ng Pilipinas sa UK sa ika-4 ng Agosto 2017, alas-6 ng gabi, sa 10 Suffolk St., London SW1Y 4HG sa isang gabi ng pagtatampok sa wikang Filipino.

Ang mga estudyante ng Filipino Language School sa Kingston ay inanyayahang magbasa ng mga tula sa wikang Filipino.

Sa kadahilanang limitado ang espasyo ng bulwagang pagtatampukan, ipinakikisuap namin na kung maaari ay irehistro ang inyong pagdalo sa events@philemb.co.uk na ginagamit ang paksang: Buwan ng Wika 2017.

Kaya’t halina’t makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa!

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.