KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN
By McLloyd Palma Calayag
Anong nangyari na? Nasaan na sila? Mga di maiiwasang tanong ng matatanda. Akala ko sila ang pag-asa ng bayan? At dinagdag pa. Pagtunog ng kampana, pagsapit ng alas-sais ng gabi at pag lubog ng araw, sila’y nagmamano sa magulang at umuuwi sa kanilang bahay, paghawak ng aklat, pag-gawa ng mga takda ang kanilang ginagawa.
Pagtulog ng maaga, sasamahan pa ng pagdadasal para sa magandang bukas. Sa pagtilaok ng manok, gigising ng nakangiti kaugnay ang pagbati, ihahanda ang sarili sa digmaan na panulat at kaalaman ng armas. Handang lumaban para sa ikagaganda ng kinabukasan. Mga guro at iba pang tao sa paaralan kanilang minamahal at ginagalang.
Hindi inaabala ang katabi nag-aaral ng mabuti. Pinapagawa’y ginagawa. Mataas ang grado sa pagsusulit dahil ang pag-aaral ay di pilit. Uuwi ng nakangiti dahil sa bagong natutunan at ilalathala pa ito sa magulang. Kaysarap balikan ang buhay ng kabataan. Simple at magandang buhay. Pero nakakabiak ng puso na iba na ang kabataan ngayon. Pagtunog ng kampana, pagsapit ng ala-sais ng gabi at paglubog ng araw, pag takas sa magulang at pag alis ng bahay. Paghawak ng mga telepono at paggawa ng kalokohan, ang kanilang ginagawa.
Pagtulog ay kasabay na ng tilaok ng manok at pagdadasal di na mabigkas ng tama. Gigising ng malungkot na may kasama pang pagdadabog. Mapupurol ang armas at di handa sa digman. Mga guro’y kinaiinisan maging kamag-aaral. Nag-aaral ng alahoy nang-aabala ng katabi iba ang ginagawa sa ipinagagawa. Mataas ang grado dahil panunulad ay ginagawang paborito.
Uuwi ng nakangiti dahil para sa kanila ay natapos ang digmaan na wala silang sugat ni pawis sa kanila’y walang pumatak walang sakripisyong ginawa; ganyan sila. Pagsapit ng Sabado ang hinahanap ay walis tambo at di kalaro. Gagawa ng gawaing bahay hindi gawaing tambay. Tutulong kay Nanay di hihingi ng pera kay Tatay. Basura’y sisilaban hindi sigarilyo ang papausukan. Sa magulang ay mag papaalam hindi pagtakas ay sa kaibigan ipapaalam.
Mag sasampay ng damit sa initan hindi magbibilad sa laruan. Tila sila’y naligaw sa madilim na kweba. Sa masamang resulta, mga natututunan ay di tama. Kweba na lahat ng masama ay nakapaligid. Merong ang hawak ay sigarilyo at alak.
Mga kabataan na nasa bilangguan na halos impyerno sa hirap. Kabataan na nagpapalaganap ng kasalanan, kabataan na di marunong magdasal, magsimba, humingi ng tawad at magpasalamat sa lumikha. Mga kabataan na di marunong magmahal sa kapwa pero binubohos ang pagmamahal sa isang tao na di angkop sa edad. Kabataan na winawalgas maging pera ng iba para sa ikakasaya nila. Walang ibang tanong kundi paano makakaalis sa kweba. Kwebang sinumpa.
Oo, may pailaw pero wala ng baterya. Halos ang haring araw ay mapundi na. Kaya tigilin, magtigil, tigilan nyo na kase marami ang bumitaw, at di pa huling bumitiw sabihin bitawan, bitawan ang hawak na sigarilyo at alak. Lumaya sa bilangguan na nasa huli ang pagsisisi pero di pahuli para ika’y magsisi. Kabataan na tuturuan kang magdasal, paano magsimba, humingi ng tawad at magpasalamat sa poong may kapal. Mga kabataan na aayusin ang po at opo. Kabataan na walang taong inaapakan marunong pangmamahal nang pantay-pantay.
Ibalik natin ang tiwalang nawala. Ipagmalaki na hindi na tayo bata. Hanapin ang kabataang nawawala. Sagipin sa baha ng kasalanan. Patayin ang apoy ng impyerno. Imulat ang matang may takip para makakita ng liwanag. Bawat isa’y alagaan isipin ang mga kapakanan. Bumangon sa kinahihigaan. Tumayo sa kinauupuan hukayin ang noon at ibaon ang ngayon. Bawat isa’y sa mabuti ay samahan ibalik ang kasabihan KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN!
About the author:
McLloyd Palma Calayag is a 16-year-old student of Cuenca Institute, in Batangas. He is currently in his 11th Year and President of his class. He is a promising basketball star, aspiring poet and aims to be a secondary school teacher. He lives with his parents in Bgy. Pinagkaisahan, Cuenca,Batangas, Philippines..